Naging matagumpay ang pagpirma sa Memorandum of Agreement sa pagitan ng LAKAS High School (Deped ZAMBALES) at De La Salle-Zobel (DLSZ). Ito ay nagpatibay sa hindi matatawarang collaboration sa pagitan ng dalawa at pagtulong ng DLSZ sa mga katutubong magaaral at komunidad ng LAKAS.

Mainit ang pagtanggap at pagsalubong nina Mr. RAFAEL JAVIER RELOZA-Vice President, Mr. BENJAMIN SAZON-Head of Social Action Center, at ng buong DLSZ sa mga kinatawan ng DepEd-ZAMBALES na sina Mr. RODERICK WILLIAM FALLORIN-Superintendent (nirepresenta nina OIC-ASDS ALBERTO OTCHENGKO, JR. at Mr. SOL SOLOMON) at YVES CLARK FABRIGAS- Principal ng LAKAS High School (nirepresenta ni Gng. CAROL SARIBAY).
Kasama rin sa MOA signing ay ang mga recipients ng LAKAS Pamayanan na kinatawan nina Chairman Tubag Juagatan, Chieftain Lando Cosme at Community Leader Tangkoy Domulot.
Ito ay ginanap noong Agosto 30, 2025, sa DLSZ-High School Campus, Vermosa, Cavite.

Post a Comment

"Please keep your comments respectful and on-topic."
"Your email address will not be published."
"HTML tags are not allowed in comments."
"Spam comments will be deleted."

Previous Post Next Post